Mahal kong anak,
Vhoy, nakabili na ng computer si Kuya Jhun mo kaya email na ngayon 'toh. Sana nakakita ka na ng internet kape diyan para mabasa mo.
Huwag ka sanang mabahala sa medyo masamang balita dito. Itong bahay na binili ng Kuya Jhun mo eh kinukuha na ng banko. Natanggal kasi siya sa trabaho dahil konti na lang ang nagpapalibing; nauso na ang cremation dito.
Bihira na lang siyang mamili ng grocery at food stamps pa ang ibinabayad. Ang galing dito ng mga simbahan; nagpapakain sila ng libre sa mga walang trabaho. Umaasa na lang kaming matulungan ng bagong Presidenteng Obama na mabawasan yung utang ni Kuya Jhun mo sa bahay. Kung sakaling mapaalis kami dito dadalhin namin yung telepono at numero ng bahay para ang mga sulat at tawag mo matatanggap pa rin namin.
Hindi nga pala ako uuwi diyan sa Oktubre dahil aprubado na ang sitisensip ko. Ang swear-in sa October 15. Ges wat! puwede palang mag palit ng pangalan sa swear in. Kaya imbes na Macario Maldonado Burgos ang ilalagay sa US passport ko, Mac Donald Burger na ang magiging bagong pangalan ko. Nanghihinayang ang Kuya Jhun mo. Sana daw nagpapalit na din siya nung swer-in niya. Gusto niya sanang maging pangalan niya ay Jhunior Whopper.
Ilista mo ang ang email address ko macdonaldburger@yuhu.net.
Kaya ang nikname ko ngayon sa Senior Center eh Big Mac. May nililigawan ako dito isang biyuda na 78 years old lang. Kamukhang kamukha ni Rosa Rosal. Nagpapakipot pa. Tuwing magkikita kami kunyari hindi niya ako kilala. Kung minsan ako daw yung asawa niya na matagal nang namatay. Kung minsan naman kakakain lang namin, ginogoyo ako na hindi pa daw siya kumakain.
Siya nga pala, hindi na ako nag sha-shampoo dahil wala na kong buhok. Uso dito.
Yung pamangkin mong si Jhocelheen nag-aaral na. Hinahatid ng Ate Bhabhy mo sa iskwela. Hindi ko naman matulungan sa homework dahil hindi ko kayang basahin ang mga libro niya. Pero ang galing talaga ni Jhocelheen! Alam niya kung ano ang kulangot sa english - booger daw! Nung araw sinasayaw ko pa yung booger, ngayon kulangot na lang pala.
Dahil nga sa tag hirap dito hindi muna ko magpapadala ng LBC box diyan. Buti na lang may email si Kuya Jhun mo. Ipapadala na lang namin sa yo ang mga litrato ng mga Nike, at mga de lata, at mga cookies, at candy na kinodak niya sa mga shapingan dito. Itong Nike size 8 lang ang pinakamaliit, kaya lumayo siya ng konti para magmukhang size 6.
Yung litrato ng $100 paki print mo na lang at ibigay mo kay Jhose. Ilang taon na ba yang apo kung yan?
O sige anak. Kung may gusto ka pang mga galing dito mag email ka lang at papadalhan kita ng mga litrato.
Ang nagmamahal mong tatang,
Daddy Mac
“Always Be A Blessing To Others”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment